Services

Modernisasyon ng CNPH nagpapatuloy, nakapaloob sa 3-year Agenda of Governance

(Ang artikulong ito ay nailathala noong Enero, 2013 sa Bantayog, ang opisyal na pahayagan ng probinsya.) 

Ilan pang proyektong pang-imprastraktura ang naipatupad nitong nakaraang taon ni Gob. Edgardo A. Tallado upang tuloy-tuloy na maisulong ang modernisasyon ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) sa ilalim ng programang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health (DOH).

Ito ay ang Completion of Administration Building ( P 3.1 M); Construction of Isolation Room Phase 1 (P 2 M); Construction of parking area (P 2 M); Expansion of Operating Room at Delivery Room ( P2.2 M) at Construction/Rehab of Comfort Rooms (P 6 M); repair of dormitories; rehabilitation of surrounding fence with perimeter lightings, installation of water storage system at completion of stock room and maintenance building.

Ngayon ay may maayos at malawak ng parking lot ang CNPH, may 23 banyo ang bagong pagawa at ang 56 na banyo ay inaayos at gumawa din ng 45 catch basin at 5 septic tanks. Na-ngangahulugan lamang na hindi lang panlabas ang nakikita nating kaayusan at kagandahan ng mga bagong tayo at bagong repair na mga gusali. Pati ang loob at labas ng CNPH ay inayos din.

May lawak na ngayon na 18.5 m x 4 m ang dating masikip na delivery room (DR) at operating room (OR). Mayroon na ring bagong isolation room (phase 1) at ang administration building ay nabuo na.

Hindi lamang ang CNPH dito sa Daet ang binigyang prayoridad. Ipinatupad din ang renobasyon ng Capalonga Medicare and Community Hospital (P5.8M). Kabilang dito ang construction of administrative building; installation of automatic fire alarm, detection and sprinkler system, rehabilitation of surrounding fence with perimeter lightings, concreting of pathways and parking area, construction of staff quarter and completion of unfinished structure.

Noong 2011 ay 3 bagong posisyong pang-medikal ang idinagdag ni Gob. Tallado sa CMCH: I medical specialist, isang med-tech at isang nars.

Samantala, sa Labo District Hospital (LDH), ay naipatupad/patuloy na isinagawa ang mga sumusunod na proyekto: construction of additional wards at repair ng operating/delivery/labor/dressing/recovery room; morgue and garage; construction of placenta pit, construction of waste transport station, construction of power house for generation.

Tulad sa CMCH, isinagawa rin dito ang installation of automatic fire alarm, detection and sprinkler system, rehabilitation of surrounding fence with perimeter lightings, expansion and concreting of pathways and parking area.

Nagkaroon din ng mga karagdagang posisyon para sa LDH (new items): 1 dentista; 2 narses; 1 med-tech; at 1 midwife.

Ang mga nahingi ni Gob. Tallado na ibat’-ibang medikal na kagamitan mula sa DOH ay itinalaga rin sa 3 ospital ng pamahalaang panlalawigan ayon sa pangangailangan nito. Bukod pa rito ang laang badyet ngayong taon ng pamahalaang panlalawigan para sa CNPH-Main na P500 libo at LDH na P250 libo na pambili pa rin ng mga kagamitang pang-medikal.

Ngayong 2013 ay 107 aplikanteng narses ang nakatakdang tanggapin bilang bagong mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan at itatalaga sa CNPH dahil sa pagdami ng pasyente nito bunsod ng pagiging FULL CHARITY nito.

Sa unang pulong ni Gob. Tallado sa mga hepe ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, kanya na ring ipinabatid ang kanyang layunin na isulong ang computerization ng CNPH upang maging sistematiko, maayos, sigurado at mas mabilis ang proseso ng mga dokumento at pagbabayad.

Inatasan din ni Gob. Tallado ang finance group upang kwentahin ang mga naimpok sa pondo ng pamahalaang panlalawigan na siyang pagsisimulang pondo sa implementasyon ng nabanggit na kompu-terisasyon.

Sa THREE-YEAR AGENDA OF GOVERNANCE ni Gob. Tallado, nalalahad na upang maging first class province ang Camarines Norte, ang flagship projects niya ay: UNA, MODERNISASYON NG CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL (CNPH). Inilahad din niya rito na bubuhusan niya ng P30 hanggang P50 milyong pisong pondo ang rehabilitasyon at pagpapagawa ng pasilidad at modernong kagamitan.

Sa ikatlong taon ng kanyang termino, nagawa ni Gob. Tallado ang mga nabanggit niyang plano at higit pa sa P50 milyong piso ang nailaan para sa mo-dernisasyon at rehabilitasyon ng mga pampublikong pagamutan.

Sa panayam, sinabi niyang napakalaking tulong ni Pangulong Noynoy Aquino sa paglalaan ng pondo sa Camarines Norte sa ilalim ng PNoy Kalusugan Pangkalahatan Program na ipinatutupad ng DOH. Jing Calimlim

(Source: Accomplishment Report of Provincial Health Office and Provincial Engineering Office)

 

Login Form

Back to Top